Binusalan na naman si Trillanes
Marami ngayon ang gustong marinig si Lt(sg) Antonio Trillanes IV,replica prada, kandidato para senador ng Genuine Opposition,Burberry Handbags, tungkol sa kanyang nakakagulat na pagpasok sa Magic 12 ngunit hindi siya mai-interview ng media dahil sinabi ng military at ng Makati Regional Trial Court na hanggang campaign period lang daw ang permiso na binigay sa kanya para makipag-usap sa media.
Hanggang ngayon hindi pa namumulat ang mata nitong military pati na ang korte na ang freedom of expression o kalayaan ng isang tao magpahiwatig ng kanyang saloobin ay ginagarantiya ng Constitution.
Habang hindi pa naproklama ang mga nanalo,Replica Chanel, hindi pa tapos ang election period. Kandidato pa si Trillanes at gusto malaman ng tao ang kanyang saloobin at opinion sa mga nangyayari ngayon lalo na, na siya ang pinagu-usapan.
Sa Lunes, dudulog na naman sa korte si Trillanes sa pamamagitan ng kanyang abogado para klaruhin ang kanyang karapatan makipag-usap sa media.
Para rin sa mga mamamayang Pilipino, karapatan rin naming ang magkaroon ng impormasyon sa mga bagay na nakaka-apekto sa aming pamumuhay. Sobra sampung milyong Pilipino ang bumoto kay Trillanes at interesado kami malaman ang kanyang saloobin.
Nagpasalamat kami kay Judge Pimentel na kahit tatlong linggo lang ang binigay niya sa media bago eleksyon na makausap naming ng personal si Trillanes. Sa tatlong linggo na ‘yun naipahiwatig ni Trillanes ang kanyang panindigan sa iba’t-ibang isyu.
Sinabi niya na hindi niya pinagsisihan ang kanyang ginawang pagbulgar ng mga katiwalian sa military noong July 27, 2003 sa tinatawag natin na Oakwood mutiny. Naniniwala pa rin si Trillanes na bugos na presidente si Arroyo at totoo naman dahil kailan ba siya hinalal ng taumbayan sa kanyang kapangyarihan ngayon.
Ang pagkapanalo ni Trillanes (pangsiyam siya sa nationwide exit poll ng Pulse Asia/ABS-CBN) ay ikinagulat ng marami dahil hindi siya namayagpag sa mga surveys bago eleksyon.
Kami naman hindi nagtataka dahil sa pag-uusap nmain sa mga taumbayan hanggang probinsiya, gusto siya ng mga tao.
Walang pera si Trillanes. Kukunti lang ang kanyang TV ads. Hindi katulad nila Pichay at Joker Arroyo na halos oras-oras nakikita mo ang mukha sa TV.
Nakakulong pa siya! Ngunit nanalo.
Sinabi na natin bago eleksyon na ang bawat boto kay Trillanes ay sampal kay Gloria Arroyo. Sa exit poll, lumalavas na sobra 11 milyon ang bumoto kay Trillanes.
Ibig sabihin noon 11 milyon na Pilipino ang sumampal kay Arroyo. Hindi pa kaya yan nahihilo?
Other articles: